Friday, April 12, 2013
Mga utos (pwede ring pakiusap) sa mga sumasakay sa jeep
1. Hwag umupo malapit sa driver kung ayaw mong mag-abot ng bayad ng iba.
2. Hwag magpaabot ng bayad kung halata namang walang malapit sa driver. Lalo na kung dalawa lang kayo.
Kapag nakaupo sa malapit sa babaan, magpaabot ng bayad kung may malapit na sa driver. Kapal fez lang?
3. Hwag bumukaka. Ayon sa aking pagtatanong-tanong, wala naman daw naiipit.
4. Ipusod o hawakan ang mahabang buhok, lalo na kung mahangin at siksikan.
5. Kung bawal sa inyong bayan ang manigarilyo sa loob ng jeep, hwag manigarilyo.
6. Itapon ang basura sa basurahan. Note: Hindi basurahan ang buong jeep, o ang kalsada. Kung walang basurahan sa loob ng jeep (na madalang naman kasi inutusan na sila na magkaroon nito), ibulsa ang basura. Mahiya kayo sa naglilinis ng ikakalat niyo.
7. Umusod nang hanggang sa makakaya. Tandaang lahat ay nagbayad at hindi lang ikaw ang may karapatang umupo nang maayos.
8. Ayos lamang na mag-usap sa loob ng jeep ngunit makiramdam sa mga katabi kung hindi sila naaabala.
9. Maghanda ng barya na pambayad. Maniwala sa paskil na 'Barya lamang po sa umaga'.
10. Hwag tumitig sa mga katabing (o katapat) hindi kakilala. Nakakaconscious, ikaw kaya.
*Gist: Bawal maging makasarili kapag sasakay sa jeep. Walang mas may karapatan sa pagiging komportable sa jeep, walang kasa-kasarian o pinipiling edad dito.
*Note: In no particular order. Not official. Based from personal experiences, only. Dedicated sa matandang may bakit-ko-iaabot-yan?!-matanda-kaya-ako! fez noong hindi niya inabot ang bayad ng nagpaabot sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment