Monday, March 18, 2013
Ang pinakanakalulungkot sa epekto ng pagkamatay ng isang mag-aaral sa UP Manila
Nakakalungkot na sa pagkamatay ni Miss Tejada, pasahan pa rin ng sisi ang nangyayari. Bakit hindi maging ugali rito sa bansang ito (o kahit saanmang lugar) na umako ng kasalanan?
Kung aakuin ng mga magulang na may pagkakamali sila, gagalingan pa nila ang pagiging magulang nila sa iba pa nilang mga anak, at gagawin nila lahat ng makakaya nila para hindi na muling mangyari na may magpapakamatay ulit sa kanilang mga anak.
Kung aakuin ng UP na may pagkakamali sa STFAP, aayusin nila ito, para wala na silang i-forced LOA. Gagawin nilang goal na lahat ng estudyante ay gugustuhing magpabracket sa STFAP dahil mas mumura ang babayaran nila.
Kung aakuin ng gobyerno na may pagkakamali sila sa budget allocation, na kulang na kulang ang budget sa edukasyon na kailangan para unti-unting umunlad ang bayang gaya ng atin, gagawan nila ng paraan para magkapera sa edukasyon.
Hindi ba nila maako ang kasalanan dahil ayaw nilang gumalaw at gumawa ng solusyon?
Hindi naman sana ganoon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment